21 July 2010

Ang Plaka

Dear Robin,

Ilang taon na rin ang lumipas ng huli akong sumulat sa iyo. Di na mo muli akong sumulat sa iyo. Ayaw mong mahanap kita, kaya di ko na rin sinubukan.

Nang una tayong magkakila, ika'y nasa kalagitnaan ng highschool mo at ako naman sa kolehiyo. Matalik na kaibigan ka ng nakababatang kapatid ng kaibigan ko (ni M) – at kung akin pang natatandaan, sa isang punto ay naging kasintahan niya rin. Higit akong naging interesado sa iyo ng madalas mong siyang dalhin sa mga internet chatroom na may LGBT themes. Nahalina mo ang buong barkada sa kagawiang iyon. Lagi mong gusto na nakakasama si M. Sa tuwing magkikita tayo, lagi mong gustong marinig ang bawat detalye tungkol sa mga stories ko ng late night. Na-flattered naman ako. Samakatwid, ang atensiyon na binibigay mo sa akin ng namunga ng pag-ibig na aking pilit itinago. Marahil, dun ako nagkamali.

Ang pakikisama ko sa iyong senior year sa highschool ay parang noong senior year ko din. Namulaklak ako ng mga panahong iyon. Isang gabi matapos ang Halloween, sinapian ako ng espiritu. Binasahan ko ang pamilya ni M. At habang bumibista ang matalik kong kaibigang si B ay sinapian din siya Ngunit napuspos kami ng tumitinding pampalakas nito. Lumabas siya para sa malamig na hanging Amihan. Sumunod ka. Matapos ay sumunod din ako.

Isa gabing ito, pinangunahan ng espiritu ang pagbubuklod ng ating mga tadhana. Crush mo si B. Crush kita. Crush nya ako. Maliwanag, na ang espiritu papalit-palit sa naturang gabing iyon.

Sa sumunod na gabi, nagkaroon ka ng paanyaya para sa isang gabing pagmamasid sa mga bituin at pilopiyang pag-iisip. Ramdam natin ang hanging Amihan. Isang bisita mula sa kabilang batuhan ang biglaang sumipot. Nagsindi siya ng apoy at dinala ako sa isang liblib na dalampasigan. Ang lugar kung saan nakatira ang mga aeta. Huminto ang oras. Nang bumalik ako sa grupo, natuklasan ko na ang aking pag-alis ay parang karayom na di maalis sa ukit ng plaka, pilit na lumukso. Ang pangingialam ni B ay nakatulong upang ang karayom ay umurong. Hindi naintindihan ang anuman sa mga ito. Gayun din ako.

Dumating ang araw, nang hilingin mo na mapalapit sa espiritu. Hindi mula sa akin, kundi kay B. Hiniling mo na protektahan kita mula sa espiritu. Sumang-ayon ako. Naging arogante at hangal ako. Sa tinakdang oras, tayo ay nagdasal. Lumapit ang espiritu. Nadismaya si B. Binalewala mo siya ng lubusan. Pati ako ay nadismaya. Naging tatay-nanay mo na ako. Ang iyong di mahati at desperadong paghingi ng atensiyon para sa akin, pero hindi ako. Isang bagay na di ko maaabot. Ngunit ang pira-pirasong ito ay tama na upang mapanatili ang tinatagong pag-ibig.

Nagpatuloy ito sa iba't ibang antas ng iyong senior year. Hanggang sa tayo'y maibuklod ng tadhana sa gabing iyo, papalapit na ang pagtatapos. Binisita ni M sa labas ng bansa ang kanyang nakatatandang kapatid para sa pagtatapos nito ng pag-aaral. Nag-organisa ako ng isang maliit na pagpupulong sa bahay ni M. Ito nama'y sinang-ayunan ng nobyo niya. Dinala ko rin ang aking ex. Lahat kayo ay uminom. Nanonood tayo ng palabas. At nang lumaon ay sinubukan mo na simulang ang isang “fourgy”. Nabighani ako sa iyong mahalumanay na paghipo. At higit na namangha na sinusunod ka ng lahat sa bawat inuutos mo.

At muli, sumambulat ang katotohanan. Masyado ka ng maraming naiinom at muli ay lumapit sa akin bilang nanay-tatay. Dinala ka ng nobyo ni M sa ibang kwarto. Aalagaan ka daw niya. Linisan na namin ang lugar.. Nang tumagal, inamin sa akin ng nobyo ni M na magkasiping kayong natutulog habang wala si M ng buong linggong iyon. Higit akong naguluhan ng aminin sa akin ni M na nagtaksil din siya sa kanyang boyfriend ng umalis ito. Sinubukan kong paamin ang dalawa at sabihin ang katotohanan. Nangyari ito, at sa kabutihang palad ay nagkaayos sila. Ikaw ang kabit. At bago pa man natin mapag-usapan ito, sinisi muna ako. Akala mo tsismis lang ang lahat. Akala mo ako ang nagkalat ng sekreto mo, ang pagiging kabit mo . Walang ako ipinagsabi. Ngunit sa iyo, ako ang dahilan.

Maari pa sanang ayusin ito. Kabataan mo noon at dinaanan naman ako nito. Ngunit hindi sa ganoong paraan. Pumasok ang pagkakainggit at pagseselos sa tinatago damdamin. Nang inakusahan mo ako, kinuha ko ang nanay-tatay at naging negatibong nanay-tatay. Pinutirya ko na masaktan ka ang iyong pagktao at nagwagi ako.

Yun ang naging huli nating pag-uusap. Kinamuhian mo ako hanggang sa ikaw ang lumisan. Inako ko ang lahat ng resposibilidad sa pag-aakalang magpapagaan ito sa aking damdamin. Ngunit, inuulit ko ang mga pangyayari. Sa buong pangyayaring kinsangkutan ko ay naging responsibilidad ko ang bawat isa. Nang sumiwalat ang katauhan ko , tanging ang kapangitaan lang nito ang bumungad. Makalipas ang ilang tao, Naiintindihan ko na ang aking responsibilidad. At naiintindihan ko na rin ako mga di ko dapat alalahanin. Salamat sa mga naipunlang mga leksyon sa buhay nitong nakalipas na mga taon. Ngayon, pwede ko ng anihin ang bunga ng aking mga paghihirap.

Sumasaiyo,
ako

4 comments:

  1. OMG we could totally create a series(out of this) worthy of a timeslot in abs-cbn's primetime bida!

    powerfull!!! yaiy.... and thanks for the dedication hihihihihi muahz

    ReplyDelete
  2. ang sad naman neto. naalala ko tuloy si V. :(

    ReplyDelete
  3. indeed, we live, we learn.

    i wonder how much of this is based on reality. the spiritual angles seem very curious.

    wv: sumpa [awesome!]

    ReplyDelete
  4. yj: starring who?

    bonsai: =( you're next.

    cb: lahat.

    ReplyDelete