15 July 2010

Ang Sulat


Mahal kong Daniel,

Ilang taong na ang nakakalipas na tila ba'y nakalimutan na kita ngunit kahapon habang ako'y nagmamaneho ay bigla kang sumagi sa isipan ko. Nagkakilala tayo online at nagkakwetuhan tungkol sa mga tula at pilosopiya at mga di mahahalagang bagay. Karanasang lubos kong ikinagalak. Habang papalapit na ang araw ng ating pagkikita, kapansin pansin ang ating pagkaligalig.

Dumating ang araw na iyon. Napagpasyahan natin na magkita ng tanghalian. Subalit nang tayo magkita na ng mukhaan, nagdahilan ka na nakaligtaan mong tapos na ang iyong pahinga sa trabaho at dali-dali kang bumalik. Naniwala ako sa iyo at di ka kinuwestiyon. Ngunit matapos noon ay hindi na kita nakausap. Di ko naiitindihan bat binalewala mo ang mga email ko at hindi nagawang sumagot sa chat. Dito ako nagsimulang magtanong.

Ang aking pagtanggi ay nauwi sa pagsusumamo. Bahagya akong nadismaya, at nang lumaon ay namuo ang galit sa iyo. Sa puntong iyon talagang nakalimutan na kita. Hangga't isang hapon, habang kasama ang isang kaibigan sa CPK, ikaw ang aming naging waiter. Oo, walang duda. Galit pa rin ako sa iyo. Higit kong ikinagalit ng nakikipagkwentuhan at nakikipagharutan ka sa amin ng, hindi mo ako nakilala –- dalaga na kasi ako.

Ang pilosopiya noong kabataan mo na ang itsura ng tao ay di mahalaga, ay importante pala sa iyo. Ang pagkakaiba ng ipinakita nating letrato sa internet at sa personal na pagkikita ay tila nakaligtaan mo sa iyong pilosopiya. Pero binawale ko ito. Sa katunayan, ang tanging naiisip ko ay kung bakit di mo nagawang sabihin na hindi ka na interesado sa akin. Sa kabila ng nito, ang pagsisinungaling mo at pagbabalewala ay hindi ganun kasakit, Mas dinamdam ko ang pagtanggi mo sa akin.

Ngayon may edad na ako. Hindi kita sinisisi sa nangyari sa atin dahil sa kaanyuan – bagamat sa mental na aspeto ay magkasundo tayo. Hindi rin kita sisisihin dahil di mo ito nagawang aminin sa akin. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong harapin ang aking shadow. At kahit ito'y nasa aking harapan na ay pilit ko pa rin itong itatago. Pinatawad na kita at gusto ko ng payapa dahil tanggap ko na magkatulad tayo.

Sumasaiyo,

ako

7 comments:

  1. Daniel reminds of those really nice guys you go out with. But then you never heard from again. I just pretend and convince myself that he died or something.

    ReplyDelete
  2. the setting is when 56k was considered premium speed and spacetime had not so compressed yet that having "online boyfriends" was novel (as opposed to anachronistic).

    ReplyDelete
  3. - dalaga na kasi ako.

    this made me smile.... no, more like chuckled.

    ReplyDelete
  4. wow. this is very different. i think i've had my fair share of daniels. some i've seen, some never again. i guess we just gotta brush it off.

    mas malalim ka pa magtagalog sakin! nakakaloka!

    ReplyDelete
  5. @yj: bakla pa rin ako =P

    @cb: or recognize it within. haha.

    ReplyDelete
  6. no way... you wrote this? like every single word in it? i liked it. you should write more of this... missed y'all!!! :)

    ReplyDelete